Arestado ng mga operatiba ng Northern NCR Maritime Police Station
(MARPSTA) sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia sina Albert Mejarito,
Juanito Rosales, 36; at Reynante Egana, 52, matapos makuhanan ng
P11,600 halaga ng hinihinalang shabu. Ayon sa mga operatiba, kaya natimbog ang tatlong “shabuhista” ay sa kadahilanang mismong sa harapan nila nagsagawa ng transaksyon ng naturang droga habang sila’y nagsasagawa ng surveillance operation sa
Market 1, NFPC, Barangay NBBS, Navotas City. (AJ RABULAN/AI/MTVN)
