Duterte umaasang itutuloy ng kapalit ang kampanya kontra katiwalian sa DPWH

Duterte umaasang itutuloy ng kapalit ang kampanya kontra katiwalian sa DPWH

MANILA – Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatupad din ang kanyang kapalit ang walang humpay na kampanya kontra katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang sangay ng gobyerno.

Sa kanyang speech sa inagurasyon ng Metro Manila Skyway Stage 3 Project, sinabi ni Duterte na dapat tugisin ng susunod na pangulo ang mga opisyal na sangkot sa maanomalyang bidding para sa mga proyekto sa DPWH.

“I hope that the next President would be as forceful and resolute to confront this almost evil practice of people going around the country, naghahanap ng mga bidding tapos paghati-hatian lang nila kaya ang mga proyekto natin, ang pera ng Pilipino hindi sapat doon sa budgeted sa isang eksuwelahan,” wika ni Duterte.

Sa utos ni Duterte, nagsagawa ang Department of Justice (DOJ) noong Oktubre 2020 ng malawakang imbestigasyon ukol sa katiwalian sa pamahalaan, umpisa sa DPWH.

“With the ongoing revamp, I expect a more…when I leave the office, medyo kailangan lang i-control ng susunod sa akin,” ani Duterte.

Pinuri naman ng Pangulo si DPWH Sec. Mark Villar sa pagpapatupad ng total revamp sa ahensiya. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply