MANILA – Nakatakdang magbukas ngayong Sabado (16 January 2021) ang food business ng dating matinee idol na si Eric Fructuoso sa Caloocan City.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Eric na pinangalanan niya itong “Gwapigs”, mula sa “Gwapings”, ang pangalan ng grupong pinasikat nila noon nina Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez, at Jao Mapa.
“Ang katwiran ko sa buhay… Well, kasal ako noon for 13 years, lahat ng lalaki nabungangaan na ng kanilang mga misis. Kung ano ‘yung hilig kong bagay, gagawin ko nang negosyo… para ‘di ka na mabungangaan,” wika ni Eric.
Ayon kay Eric, magbubukas ang Gwapigs sa Dagat-Dagatan, Caloocan sa Sabado.
Bida sa menu ng “Gwapigs” ang pork chop na may kasamang garlic rice at pritong itlog. Mayroon din silang longganisa, tocino, at tapa.
Maliban sa Gwapigs, may motorcycle shop din si Eric na may pangalng “Gwapings Moto” sa Naic, Cavite. (AI/FC/MTVN)