MANILA – Inalisan ng Department of Tourism (DOT) ng authority to operate ng City Garden Grand Hotel (CGGH) sa Makati, ang hotel kung saan natagpuang patay ang flight attendant na si Christine Dacera, dahil sa panlilinlang nito sa publiko.
“The CGGH was found to have misrepresented itself to the public as being allowed to accommodate guests for leisure or staycation purposes despite being a quarantine facility,” nakalagay sa pahayag ng DOT.
“The DOT… finds the CGGH in Makati City liable for the offense of gross and evident bad faith in dealing with clients/fraudulent solicitation of business or making any false, deceptive, or misleading claims or statements for the purpose of soliciting business from clients,” dagdag pa nito.
Kinonsidera ng DOT sa desisyon nito ang mga ebidensiyang nakuha sa kaso ni Dacera, na natagpuang patay sa bathtub ng hotel noong Enero 1 matapos magdiwang ng Bagong Taon kasama ang ilang kaibigan
Sinabi ng DOT na bago pa ang nangyari kay Dacera, tumatanggap ang
CGGH ng leisure guests at hindi nila pinapaalam na sila’y isang quarantine hotel.
Pinagmulta rin ng DOT ang hotel ng P10,000 at sinuspinde ang DOT accreditation nito ng anim na buwan. (AI/FC/MTVN)