“Makinig at sumunod”, Payo ni Fr. Villegas sa mga deboto ng Sto. Niño de Tondo

“Makinig at sumunod”, Payo ni Fr. Villegas sa mga deboto ng Sto. Niño de Tondo

MANILA — Sa ginanap na banal na misa ngayong araw sa Bulwagang Katipunan, Manila City Hall ay sinabi ni Sto. Niño de Tondo Archdiocesan Parish Church priest and rector Fr. Estelito E. Villegas na ang mga deboto ng Señor ay dapat marunong makinig at sumunod sa salita ng Diyos.

Ang pagdiriwang ng banal na misa ay ginanap bilang pagtanggap sa natatanging pagbisita ng imahen ng Señor Sto. Niño de Tondo sa Bulwagang Katipunan. Sa kanyang homiliya ay pinaalala ni Fr. Villegas ang mga katangiang taglay dapat ng Señor.

“Ang debosyon po natin sa Sto. Niño ay makita natin ang katulad ng isang bata katulad Niya. Kayang makinig at may panahong makinig, at matuto sa pakikinig. At iyan po ang hilingin nating patuloy sa ating Sto. Niño,” ani Fr. Villegas.

Dagdag din ni Fr. Villegas na maraming tao ang naniniwala sa Diyos, ngunit nagkukulang sa pakikinig sa mga aral Niya na siyang nagiging rason ng paglihis sa tamang landas ng nakararami.

“Marami sa atin ang naniniwala sa Diyos, ngunit nakikinig ba? ‘Yan ang tanong. At kung hindi tayo makikinig, experience din natin sa ating buhay, if you do the opposite, we enter into a life of trouble,” dagdag ni Fr. Villegas.

Tuwing ika-tatlong Linggo ng Enero ginugunita ang Kapistahan ng Señor Sto. Niño de Tondo. Kasabay din nito ang kapistahan ng Señor Sto. Niño de Pandacan sa Pandacan, Maynila. (KIARA LAUREN IBANEZ/AI/MTVN)

Leave a Reply