Paggamit ng dalawang magkaibang COVID-19 vaccine sa isang tao di nirerekomenda ng DOH

Paggamit ng dalawang magkaibang COVID-19 vaccine sa isang tao di nirerekomenda ng DOH

MANILA – Hindi nirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng dalawang uri ng COVID-19 vaccine sa isang tao para makumpleto ang kailangang dose.

Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole ngayong araw, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mahirap gamitin ang magkaibang tatak ng bakuna sa isang tao dahil mahirap matukoy kung saan galing ang side effects o iba pang epekto kung mayroon man.

“You would not want to toy with the idea of giving different vaccines for the simple reason that if an adverse event following immunization does happen, or an adverse event of special interest, we are going to struggle to identify which of these two different vaccines must have caused it,” paliwanag ni Duque.

Tutol din si Dr. Lulu Bravo, chairperson ng Adhoc Committee on Vaccination ng Philippine Medical Association, ukol sa nasabing pagkilos.

“This is not recommended. Interchangeability, that’s what we call it, is actually a no-no because no company will be willing to do a study on that kind of process,” ani Bravo.

“Most of the results that we will get if this will be done will not really be based on standard procedures,” dagdag pa niya.

Sa ngayon, tanging COVID-19 vaccine pa lang na gawa ng Pfizer-BioNTech ang nakakuha ng emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply