Ramon Ang ng San Miguel di sasabak sa pulitika

Ramon Ang ng San Miguel di sasabak sa pulitika

MANILA – Mariing itinanggi ni San Miguel Corp. president at COO Ramon Ang na plano niyang tumakbo sa darating na halalan.

“Perhaps because of our company’s efforts to help our country, many are thinking I am planning to enter politics. I have no such ambition,” wika ni Ang sa pormal na pagbubukas ng Skyway Stage 3 project kahapon.

“All these projects we’ve completed, and all the new ones we’re about to start, are part of our long-term vision we first articulated more than a decade ago, when we said we wanted to be a true partner in nation-building,” dagdag pa niya.

Pinalakas ng San Miguel Corp. ang donation drive nito pati na ng pagtulong sa maraming Pilipino sa ilang buwan na lockdown para pigilin ang pagkalat ng COVID-19.

Dahil sa mga pagkilos na ito, lumakas ang ingay na maaring tumakbo si Ang sa eleksiyon sa 2022, na mariin niyang pinabulaaan.

Aniya, ito’y bahagi lang ng tungkulin ng SMC na tumulong sa bansa at palakasin ang mga industriya at sektor na magpapalago sa ekonomiya.

“We love our country, it’s the only one we have, so we should all do what we can to lift it up and help Filipinos. This pandemic has only made that commitment deeper and stronger,” wika ni Ang. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply