Yeng Guiao ng NLEX aminadong nais hugutin si Manuel mula sa Aces pero…

Yeng Guiao ng NLEX aminadong nais hugutin si Manuel mula sa Aces pero…

MANILA – Interesado si NLEX head coach Yeng Guiao na nais niyang mahugot ang power forward na si Vic Manuel mula sa Alaska.

Subalit sinabi ni Guiao na baka hindi kayang ibigay ng Road Warriors ang mga nais hinging kapalit ng Aces para sa 6-4 big man.

“Baka ‘yung gusto nila sa amin ‘di naman namin kayang ibigay, di wala ring mangyayari,” wika ni Guiao sa panayam ng PBA website.

“I think that’s part of the consideration, who we have to give up. Sa akin kasi, malaking asset pa rin iyang si Vic Manuel pero I don’t want to give up somebody who will also be a big contributor to our cause,” dagdag pa niya.

Humingi ng trade si Manuel sa Alaska kasunod ng nangyaring gusot sa kanyang kontrata.

Isa sa mga koponang binanggit ni Manuel na nais niyang puntahan ay ang NLEX, Phoenix at San Miguel Beer.

Subalit sinabi ni Guiao na halos kumpleto na ang kanyang line-up para sa darating na PBA season. (FC/MTVN)

Leave a Reply