MANILA — May 188 na pamilyang nawalan ng tirahan na tinupok ng apoy sa barangay Tabing Ilog sa Marilao, Bulacan ang nakatanggap ng tulong.
Mismong si Bulacan Governor Daniel R. Fernando ang siyang nag-abot ng foodpacks sa mga biktima kasama ang lokal na pamahalaan at tanggapan ng Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO).
Bukod sa foodpacks, tumanggap din ang mga nasunuganng karagdagang P10,000 ang ibinigay sa bawat pamilyang nasalanta ng sunog.
Samantala, tiniyak ni Fernando na kahit matindi ang hamon ng pandemya ng Covid-19 ay nananatiling matatag ang lokal na pamahalaan upang tugunan at malampasan ang lahat ng suliranin ng mga Bulakenyo.
Muling ipinaalala ng Gobernador sa publiko na mas paigtingin pa ang pag-iingat,dahil sa may nadagdag na naman na bagong variant ng coronavirus sa ating bansa. (Thony D Arcenal/AI/MTVN)

