2,058 bagong kaso ng COVID-19 iniulat ng DOH

2,058 bagong kaso ng COVID-19 iniulat ng DOH

MANILA – Sa ikalawang sunod na araw, nakapagtala ng Department of Health (DOH) ng mahigit 2,000 bagong kaso ng COVID-19 ngayong Sabado.

Ayon sa DOH, may naitalang 2,058 bagong kaso na nagdala sa kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa sa 498,691.

Nanguna sa pinakamaraming kaso ng COVID-19 ngayong araw ang Cavite at Rizal na may tig-96, kasunod ang Leyte (92), Quezon City (85), at Mountain Province (84).

May 406 katao na gumaling kaya umakyat ang recoveries sa 460,133 habang may walong namatay na nagdala sa death toll sa 9,884.

Mayoon pang 28,674 aktibong kaso sa bansa.

Worldwide

Sa buong mundo, nasa 94,324,612 na ang kabuuang bilang ng COVID-19, 67,358,957 dito ay gumaling na habang 2,018,106 naman ang namatay.

Nasa 24,947,549 pa ang bilang ng aktibong kaso, kung saan 24,836,118 o 99.6 porsiyento ay nasa mild condition habang 111,431 o 0.4 porsiyento ang malala o kritikal.

Una pa rin ang Estados Unidos pagdating sa bilang ng COVID-19 na may 24,102,429, kasunod ang India (10,543,659), Brazil (8,394,253), Russia (3,520,531) at United Kingdom (3,316,019).

Pang-anim ang France (2,872,941), na sinusundan ng Turkey (2,373,115), Italy (2,352,423), Spain (2,252,164), at Germany (2,023,802). (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply