24/7 vaccination kontra COVID-19 isasagawa pagdating ng supply

24/7 vaccination kontra COVID-19 isasagawa pagdating ng supply

MANILA – Walang sasayangin na sandali ang pamahalaan sa pagturok ng COVID-19 vaccines sa mamamayan kapag dumating na ang supply, ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

“Nakikita po natin na ang capacity natin if we are going to vaccinate more or less 50 million, ang kailangan natin ma-vaccinate every day is 150,000,” wika ni Galvez sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole.

“We are looking at the possibility that if the vaccines are available, we will have 24/7, three shifts. So ganoon po gagawin natin,” dagdag pa niya.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na natukoy na nila ang mahigit 4,000 fixed vaccination points sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas para sa COVID-19 immunization program.

Ayon kay Galvez, sisikapin nilang matapos ang masterlist ng mga prayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccine sa Enero 30, pati na ang masterlist ng mga kailangang gamit.

Target ng pamahalaan na makakuha ng 148 milyong dose ng bakuna laban sa COVID-19 sa pitong magkakaibang manufacturers. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply