5 NPA, 4 pa na militia ng bayan sumuko sa militar

5 NPA, 4 pa na militia ng bayan sumuko sa militar

MANILA — Dahil sa takot na malagay sa tiyak na kapahamakan sa pinaigting na kampanya ng mga pulis at sundalo sa pagpapatupad ng batas laban sa mga communist terrorist group, nagdesisyon ang limang (5) na miyembro nito na sumuko kasama na ang armas nila habang tatlo (3) suporters din ng militia ng bayan at isang suporter ng Bayan Muna ay sumuko din.

Sa report ni Lt. Col. Reandrew  P Rubio 91st Infantry (Sinagtala) Battalion, Philippine Army, kinilala ang mga sumuko na sina alyas Ka Jerry, dating supply officer ng KLG Sierra Madre, bitbit ang isang M14 rifle at tatlong (3) magazine na puno ng bala.

Kasama sina Ka Diway, dala ang isang M16 rifle at isang magazine na puno ng bala; alyas Ka Dondon, dating Political Guide Front 88 ng PRO4A at 4B na nagsuko ng  cal.38 revolver; alyas Ka Jeng, dating miyembro ng SDG Pampanga na nagsuko rin ng cal. 38, alyas Ka Renz, dating miyembro ng PCOM Aurora na nagsuko rin ng cal. 38.

Sumuko ang mga nabanggit na CTG sa tulong na rin ng Delta (Dobberman) Company,  7th Infantry (Kaugnay) Division, Philippine Army, ni CPT Bethoven B Cabanlit Company Commander, katuwang ang 1st Provincial Mobile Force Company, Nueva Ecija PPO, Gabaldon MPS, at Bongabon MPS.  

Sa ilalim ng  ECLIP assistance  makatatanggap ng  tulong pinansyal at pangkabuhayan package na tig P50,000.00 ang limang rebelde na bahagi pa rin ng programa ng pamahalaan.(Thony D Arcenal/AI/MTVN))

Leave a Reply