MANILA – Ginawaran ang beteranang aktres na si Nova Villa ng Pro Ecclesia et Pontifice medal, ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Santo Papa sa lay people.
Ayon sa ulat ng Vertias846, tinanggap ni Villa o Novelita V. Gallegos sa tunay na buhay ang parangal noong Enero 14 sa San Lorenzo Ruiz Parish sa Quezon City.
“Yung ambisyon kong mag-artista became a mission, lahat ng ginagawa ko sa showbiz ay may kaakibat na misyon,” wika ni Villa sa panayam ng Radio Veritas.
Sa panayam, inamin ni Villa, na halos limang dekada nang kabilang sa showbiz, na nagulat siya sa ibinigay na parangal.
“Bukal sa puso ko ‘yung anything na ginagawa ko for God. I’m happy to do it kahit mahirap,” ani Villa.
Kasabay nito, nanawagan si Villa sa mga kapwa Pilipino na patuloy na maging mabuting tagasunod ng Panginoon.
“I think, I am just an instrument of God’s grace to people. By being nice to people, giving smile at them, you’re giving them hope,” dagdag ni Villa. (FC/MTVN)