Ika-13 ‘person of interest’ posibleng gawing state witness sa Dacera case

Ika-13 ‘person of interest’ posibleng gawing state witness sa Dacera case

MANILA – Posibleng gawing state witness ang ika-13 guest na humarap kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) para magbigay linaw sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ayon sa ulat, nagpasundo ang nasabing “person of interest” o POI mula Tacloban para makapagbigay siya ng testimonya sa NBI.

Binanggit sa ulat na maaaring gawing state witness ang nasabing guest kapag naberipika ang kanyang testimonya. Hihilingin din ng NBI na sumailalim siya sa polygraph test.

Ang nasabing POI ay ng ika-13 guest ng Room 2207 kung saan ilang beses nagpunta si Christine bago siya natagpuang patay sa Room 2209 ng City Garden Grand Hotel noong Bagong Taon.

Batay sa footage ng security camera ng hotel, makikita na ilang beses sinundo si Dacera sa Room 2207 ng isa sa kanyang mga kaibigan ilang oras matapos siyang makitang patay.

Una nang nakipag-ugnayan sa NBI ang 12 pang umokupa sa Room 2207.

Naniniwala ang pamilya ni Dacera na dinroga muna bago pinagsamantalahan ang dalaga ngunit itinanggi naman ng kanyang mga kaibigan ang akusasyon. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply