Maraming tanong, haka-haka ang taumbayan tungkol sa PMVIC!

Maraming tanong, haka-haka ang taumbayan tungkol sa PMVIC!

Photo courtesy TopGear PH

NAKARATING sa LAWYERS COMMUTERS SAFETY and PROTECTION (LCSP)  ang ilan sa mga ito at gusto natin i-post dito ang mga damdamin at saloobin ng tao tungkol dito, dahil kailangan malaman ng taumbayan kung ano ba talaga itong PMVIC (Private Motor Vehicle Inspection Centers) na ito:

Saan nagmula ito? Solution ba talaga ito para daw bumaba ang aksidente sa lansangan? Napag-aralan bang mabuti ito?

Samantala, may pending investigation pa sa Committee on Transportation ni Cong. Sarmiento tungkol sa PMVIC! Wala pa nga lang resolution dahil nahinto ang mga meetings dahil sa pandemia.

Maraming mga tanong at haka-haka: Wala bang anomalya o corruption sa pagkakabuo nito? 

Dapat din na ma-imbestigahan ni Cong. Marcoleta ang ibinunyag nya na “garapalang singilan” daw sa LTO patungkol sa mga PMVIC; pero bakit imbes na imbestigahan para may makasuhan at may makulong ay iniutos pa ni Cong. Marcoleta kay Assec. Galvante na agad payagang mag-operate ang mga PMVIC? Bakit?

May pending investigation din si Cong. Sarmiento sa P800M na binigay na budget sa LTO para gamitin sa pagpapatayo ng mga bagong MVIS. Nakakapagtaka kung bakit hindi daw ginamit ang budget at bagkus ay ipinasa pa sa mga pribadong negosyante ang pagi-inspeksyon ng mga sasakyan na kung saan namuhunan ng P60M (ayon kay Cong. Marcoleta) bawat isa, sa pagpapatayo ng center. 

Dapat din po malaman ng taumbayan kung sinu-sino itong mga namuhunan ng P60M bawat isang PMVIC, maaring magulat kayo kapag nalaman nyo kung sino ang mga ito!

Kanino ngayon babawiin ang halagang ito na pinuhunan nila? Eh diba sa taumbayan na naman na bugbog na sa gastusin!  Kaya naging napakamahal ngayon ng kailangang bayaran ng mga tao para makapag rehistro ng kanilang mga sasakyan. More or less 450% ang itinaas. Bukod pa ang gastusin sa ipapagawang sira ng kanilang sasakyan na makikita sa PMVIC inspection. 

Sa haba ng pila sa PMVIC, masasayang din ang isang araw dahil mawawalan ng sweldo ang tao dahil kailangang lumiban sa trabaho.

Kailangang imbestigahan ito ng Congreso at Senado.   Nagtataka ang marami bakit tahimik sila tungkol dito!

Sa totoo, gustong malaman ng bayan kung sinu-sino ang mga may-ari ng mga PMVIC!  (AI/MTVN)

Leave a Reply