OCTA Group hindi pa nakikita ang epekto ng Pista ng Itim na Nazareno, bagong COVID-19 strain

OCTA Group hindi pa nakikita ang epekto ng Pista ng Itim na Nazareno, bagong COVID-19 strain

MANILA – Hindi pa nakikita ng OCTA Research Group ang epekto ng Pista ng Itim na Nazareno at bagong strain ng COVID-19 sa bilang ng kaso ng virus sa bansa.

Ayon kay Dr. Guido David, ang nakalipas na pagtaas sa bilang ng kaso ay bunsod ng pinalakas na aktibidad ng mga tao noong panahon ng kapaskuhan.

Idinagdag pa ni David na nag-stabilize na ang reproduction rate o pagdoble ng bilang ng taong nahawaan ng virus.

“We’re hoping na hindi siya naging superspeader eventkasi we’re not seeing any indications yet. ‘Yung nakikita natin slight uptick in numbers due to post holidays pa pero medyo nagsta-stabilize reproduction numbers natin,” paliwanag ni David.

Libu-libo katao ang nagtipon sa loob at paligid ng Quiapo Church para dumalo sa Misa kaugnay ng Pista ng Itim na Nazareno.

Sinasabi namang mas nakahahawa ang bagong strain ng COVID-19 na nakapasok na sa bansa matapos dalhin ng isang biyaherong Pilipino na galing sa United Arab Emirates.

“We were thinking na ‘yung previous Feast of the Black Nazarene may effect siya, may risk siya pero hindi naman guaranteed na it would lead to transmission. Baka naman malakas ang power ng prayer nila na-avert nila ‘yung transmission o somehow nasunod nila ‘yung social distancing,” dagdag pa ni David.

Ayon kay David, mababa ang posibilidad na magkahawaan kapag sa labas ginawa ang isang event kumpara sa loob. Subalit nilinaw niya na nakadepende ito kung nasusunod ang health protocols gaya ng physical distancing.

“Hindi ko sinasabing walang risk, sinasabi ko lang the risk is not that high,” ani David. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply