Sara Duterte: Ayaw ko mag-presidente, walang last-minute announcement gaya ng ginawa ng tatay ko

Sara Duterte: Ayaw ko mag-presidente, walang last-minute announcement gaya ng ginawa ng tatay ko

MANILA – Nanindigan si Davao City Mayor Sara Duterte na hindi siya tatakbo bilang pangulo sa 2022.

Sa panayam ng Reuters, sinabi ni Sara na walang mangyayaring “last-minute” na pagpasok sa karera sa pagkapangulo gaya ng ginawa ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

“I am not being coy nor am I doing a last minute. If the whole country doesn’t want to believe that, then I can’t do anything about it. Not everyone wants to be president. I am one of them,” wika ni Sara.

“I thank all of them for their trust and confidence in what I can do but my refusal to run for president is not the end of the world,” dagdag pa niya,

Kamakailan, nanguna si Sara sa survey ng Pulse Asia ukol sa mga posibleng kandidato bilang pangulo sa 2022.

Sinabihan ni Sara ang mga kumpanyang nagsasagawa ng survey na huwag isama ang kanyang pangalan sa mga susunod na kahalintulad na survey.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi tatakto ang kanyang anak bilang pangulo. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply