2 arestado sa high-grade marijuana sa Caloocan

2 arestado sa high-grade marijuana sa Caloocan

ARESTADO ng mga operatiba ng Caloocan City Police Drug Enforcement Unit ang dalawang suspek na kinilalang sina Mark Lester Corpuz 32, at Norman Keith Frago 28, matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Victory Mall Parking Lot sa Barangay 72, District II, Caloocan City. Nakuha sa mga suspek ang aabot sa 180 gramo ng hinihinalang pinatuyong high-grade marijuana (Kush) na may standard drug price P360,000 kada kilo. Nahaharap ngayon sa mga kasong Violation of Sec 5 (sale of dangerous drugs), Sec 11. ( possession of dangerous drugs), at Sec 12. ( posession of drug paraphernalias and Sec 26 ( Conspiracy) Art II of RA 9165. ( AJ RABULAN/AI/MTVN)

Leave a Reply