Arci Muñoz nais pa ring maging piloto kahit matagumpay sa showbiz

Arci Muñoz nais pa ring maging piloto kahit matagumpay sa showbiz

MANILA — Sa kabila ng matagumpay na showbiz career, ipupursige pa rin ng aktres na si Arci Muñoz ang pangarap na maging piloto.

Ayon kay Arci, ang pangarap na maging piloto ang dahilan kung bakit siya sumailalim sa basic citizen military training noong nakaraang taon.

Dahil dito, plano ni Munoz na mag-enroll sa isang flying school sa susunod na buwan.

“Yun talaga ang gusto ko ever since. Balak ko rin maging piloto. Actually mag-i-start na ako ng flying school ko sa February or March,” wika ni Muñoz, na ngayo’y sarhento na ng Philippine Air Force Reserve (PAFR) Command.

“Kailangan ko lang talaga maghanap ng medyo mahaba-habang bakanteng schedule kasi matagal ‘yon, matagal ang pag-aaral na ‘yon,” dugtong ni Arci.

Sinabi pa ni Arci na nais niyang magsilbing inspirasyon sa taumbayan, lalo na sa kababaihan, kaya nagpasya siyang sumailalim sa military training. (AI/FC/MTVN

Leave a Reply