China magdo-donate ng 500K doses ng COVID-19 vaccines sa PH

China magdo-donate ng 500K doses ng COVID-19 vaccines sa PH

MANILA – Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na balak mag-donate ng China ng 500,000 dose ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines sa Pilipinas.

Ayon sa DFA, ipinaalam ni Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang plano sa kanyang pagbisita sa bansa.

“The State Councilor informed the Secretary of China’s intention to donate 500,000 doses of vaccines to the Philippines, in keeping with President Xi’s commitment to President Duterte,” wika ng DFA sa isang pahayag.

Hindi naman nabanggit ni Wang ang tatak ng bakuna na ibibigay ng China at kung kailan ito darating sa Pilipinas.

Dalawang kumpanya mula China ang gumagawa ng bakuna COVID-19. Ang bakunang gawa ng Sinopharm ay may 79.34 porsiyentong efficacy rate habang ang bakunang gawa ng Sinovac ay wala pang 60 porsiyento ang bisa sa trial na ginawa sa Brazil at 91 porsiyento naman sa Turkey.

Sa kanilang pulong, sinaksihan nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Wang ang pagpirma sa bilateral deal nina Finance Undersecretary Mark Joven at China International Development Cooperation Agency (CIDCA) Vice Chair Deng Boqing ukol sa kooperasyon pagdating sa isyung pang-ekonomiya at teknikal.(AI/FC/MTVN)

Leave a Reply