Comelec nakapagtala na ng 1 milyong registrants para sa 2022 polls

Comelec nakapagtala na ng 1 milyong registrants para sa 2022 polls

MANILA – Inihayag ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na nakapagtala na sila ng isang milyong bagong registrants para sa 2022 national at local elections.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, inaasahan ng poll body na makapagtala sila ng apat na milyon pang registrants bago matapos ang panahon ng pagpaparehistro sa Setyembre.

Inamin ni Jimenez na mabagal ang dating ng nagpapatala dahil sa limitasyon na dulot ng COVID-19 pandemic.

Dahil sa pandemya, tumatanggap lang ang Comelec ng mga nagpaparehistro mula Lunes hanggang Huwebes. Tuwing Biyernes, sarado ang tanggapan ng Comelec dahil ito ang itinakda nilang araw ng disinfection days.

Maliban pa rito, limitado lang ang tao na puwedeng papasukin sa registration sites upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Kaya umaasa si Jimenes na makakapagbukas ang Comelec ng satellite registration sites para mas mapabilis ang proseso.

“We are looking forward to hopefully being able to conduct satellite registration events by the end of this month as the situation develops,” wika ni Jimenez.

Samantala, wala pa namang naitalang kaso na nagkahawaan ng virus sa registration centers. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply