Deped may malaking papel hindi lamang sa edukasyon kundi pati sa kalusugan

Deped may malaking papel hindi lamang sa edukasyon kundi pati sa kalusugan

MANILA — Ang Department of Education ay may malaking papel sa pagtuyod ng magandang kalusugan para sa mga mag-aaral ng bansa.

Ito ang inihayag ni Education Secretary Leonor Briones na kinikilala ng kanyang kagawaran na may malaking papel ito sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga mag-aaral sa paampublikong paaralan sa buong bansa.

Sa talumpati ni Briones sa unang Anibersaryo ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger, sinabi nito na importante na may mabuting kalusugan ang isang mag-aaaral upang maging isang mabuting mamamayan.

Paliwanag ng kalihim na hindi nila matuturuan ang isang bata at hindi ito matuto kung walang laman ang kanyang sikmura.

Kailangan anya na mabigyan ng masusustansayng pagkain ang isang bata upang madaling matuto at maintindihan ang mga impormasyong ibinibigay sa kanila ng mga guro.

Kaya anya nagpapatuloy ang kanilang feeding program ngayong School Year para sa mga mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade 6 na kasama sa category ng wasted at severely wasted. (Benjie Cuaresma/AI/MTVN)

Leave a Reply