BY Arwen Pascua
MANILA — Fake news ang ulat na nasa intensive care unit sa isang ospital si Interior Secretary Eduardo Ano.
Ito ay dahil nananatiling malakas, maayos at nasa ligtas na kalagayan ang kalihim batay sa inihayag sa isang radio program ng ilang source na malapit sa Kalihim matapos kumalat umano ang balitang isinugod ito sa ICU ng isang hindi pinangalanang ospital.
Ayon sa mga source, kasalukuyang nagpapahinga ang Kalihim matapos payuhan ng kaniyang mga doktor dahil sa wala pa itong pahinga mula nang makalaya sa COVID-19 noong Agosto ng 2020.
Enero 11 nang i-anunsyo ni DILG Spokesman at USec. Jonathan Malaya na naka-leave of absence ang Kalihim para sumailalim sa serye ng mga pagsusuri
Pansamantalang umuupong Officer in Charge ng DILG sa ngayon si USec. Bernardo Florece hanggang sa katapusan ng buwang kasalukuyan.
Hinihintay pa sa ngayon ang ilalabas na opisyal na pahayag ng kagawaran hinggil sa nasabing usapin. (AI/MTVN)