Kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan, Visayas, Mindanao dahil sa LPA, ITCZ

Kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan, Visayas, Mindanao dahil sa LPA, ITCZ

MANILA — Magdudulot ang isang low pressure area at Inter-Tropical Convergence Zone ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Palawan, Visayas at Mindanao ngayong araw.

Ang LPA ay tinatayang nasa 100 kilometro timog kanlurang bahagi ng Cotabato City kaninang alas-3 ng madaling araw, kasama ang ITCZ na nakakaapekto sa Mindanao at Palawan.

Ang mga nabanggit na lugar ay maaaring makaranas ng flash floods o landslides dahil sa katamtaman o malakas na buhos ng ulan.

Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang iiral sa Bicol Region, Quezon, at natitirang bahagi ng MIMAROPA dahi sa tail-end ng frontal system.

Posible ring makaranas ng flash floods o landslides dahil sa katamtaman o malakas na buhos ng ulan.

Ang Metro Manila, Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, at iba pang bahagi ng CALABARZON ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan dahil sa northeast monsoon o amihan.

Ang natitirang bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan dahil sa monsoon. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply