Ipinakita sa media ang mga papeles ng mga kaso laban kina Public Attorneys Office (PAO) chief Atty. Persida Rueda Acosta at Forensic Laboratory chief Dr. Erwin Erfe na ibinasura ng Office of the Ombudsman ang kaugnay ng ibat-ibang paglabag diumano sa kanilang mga tungkulin.
Sa ginanap na press conference, pinasalamatan ni Acosta si Ombudsman Samuel Martires sa pag-dismiss ng reklamo sa kanya ng isang Atty. Wilfredo Garrido na nagsampa ng reklamo. Matatandaang sinampahan sina Acosta at Erfe ng kasong paglabag sa Republic Act 3019, falsification of public documents, malversation of public funds or property at administratibo gaya ng grave misconduct, serious dishonesty, grave abuse of authority at conduct prejudicial to the best interest of public service na pawang binaliwala ng Ombudsman.
Naniniwala si Acosta na isang harassment lamang ang ginawa sa kanila ni Erfe na tinawag na malisyoso, walang saysay at walang basehang paratang.
Sinabi naman ni Erfe na naglalayong pigilin ang kanilang ginagawang libreng serbisyong legal at awtopsiya sa publiko at para mahinto ang kanilang dengvaxia case na matagal na nilang inilalaban kasama ang mga magulang na humihingi ng hustisya. (AI/MTVN/ART SON)
