Ni F. Cecilio
MANILA — Nakapagtala ang Department of Health ng 1,357 bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.
Bunsod nito, umakyat na ang kabuuang bilang ng kaso ng nasabing virus sa bansa sa 504,084 kung saan 27,857 rito ay pawang mga aktibo pa.
May 324 katao ang gumaling sa sakit, na nagdala sa bilang ng recoveries sa 466,249.
May 69 katao naman ang pumanaw sa sakit kaya nasa 9,978 na ang death toll ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, umakyat na sa 96,027,401 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa buong mundo, kung saan 68,692,236 na ang gumaling habang 2,049,769 naman ang namatay.
Sa 25,285,396 aktibong kaso, 25,173,372 o 99.6 porsiyento ang nasa mild condition habang 112,024 o 0.4 porsiyento ang kritikal.
Una pa rin ang Estados Unidos pagdating sa kaso ng COVID-19 na may 24,626,441 kasunod ang India (10,582,647), Brazil (8,512,238), Russia (3,591,066) at United Kingdom (3,433,494).
Pang-anim ang France (2,914,725) na sinusundan ng Turkey (2,392,963), Italy (2,390,101), Spain (2,336,451) at Germany (2,059,314). (FC/MTVN)