28K MILF fighters hindi pa sumasailalim sa decommissioning

28K MILF fighters hindi pa sumasailalim sa decommissioning

MANILA – Nasa 28,000 pang Moro Islamic Liberation Front (MILF) fighters ang hindi pa sumasailalim sa decommissioning, ayon kay Bangsamoro Chief Minister Ahod Ebrahim.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Ebrahim na nasa 13,500 miyembro ng MILF ang na-decommission na sa inisyal na bahagi.

“Actually ang target nating ide-decommission is 40,000. Ngayon ang unang na-decommission is 1,500, sumunod ‘yung 12,000 so mayroon tayong 13,500 na na-decommission na,” wika ni Ebrahim.

“Mas marami pa ‘yung remaining, second phase saka third phase, mas marami ‘yun dahil 28,000… ‘yun ang challenge kasi kailangan ma-decommission ito within the term ng BTA,” dagdag pa niya.

Bawat MILF fighter na sumailalim sa decommissioning ay tatanggap ng mahigit P1 milyong halaga ng tulong mula sa pambansang pamahalaan, tulad ng P100,000 cash at P950,000 halaga ng pabahay at iba pang serbisyo.

Ngunit sinabi ni Ebrahim na ilang MILF fighters na na-decommission ay hindi pa rin nakakakuha ng nasbaing tulong mula sa pamahalaan.

“Dito sa first decommissioning, hindi pa nai-deliver sa kanila ‘yung mga social packages na dapat naibigay sa kanila,” ni Ebrahim.

Ang decommissioning ng MILF fighters ay isa sa pinakamahalagang probisyon sa kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at MILF. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply