MANILA — Noong Nobyembre pa pala ikinasal ang aktres na si Alex Gonzaga sa konsehal ng Lipa City, Batangas na si Mikee Morada.
Ito ang ipinaalam ni Alex sa kanyang vlog kasama ang mister na konsehal sa Lipa City, Batangas.
“Kinasal na po kami. Isa na po akong misis. Isa na po akong maybahay, isa na po akong wife,” wika ni Alex.
“November kami kinasal ni Mikee. Dito kami kinasal. Simple lang, kasama lang yung family and parents namin,” dagdag pa niya.
Paliwanag ni Alex, hindi muna nila ipinaalam sa publiko ang kanilang kasal dahil gusto muna nilang ipagdiwang ito ng pamilya.
Nangako naman si Alex na gagawa siya ng isa pang vlog para ipakita sa kanyang followers ang mga nangyari sa araw ng kanilang kasal at kung paano sila namumuhay ni Morada bilang mag-asawa.
“Ipapakita ko naman sa inyo iyan soon, kung ano talaga ang nangyari sa wedding namin. We just wanted to thank our family kasi the moment we said na we are gonna get married, they were all very supportive. Yung immediate family, pumunta sila dito,” wika ni Alex. (AI/FC/MTVN)