Clinical trial ng COVID-19 vaccine ng Sinovac, atbp aprub na sa FDA

Clinical trial ng COVID-19 vaccine ng Sinovac, atbp aprub na sa FDA

MANILA – Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng Chinese drug manufacturer na Sinovac para magsagawa ng clinical trials ng COVID-19 vaccine nito sa bansa.

Ito ang ibinalita ni FDA director general Eric Domingo, na nagsabing lahat ng aplikasyon para sa pagsasagawa ng clinical trials sa bansa ay naaprubahan, kasama ang Sinovac.

“Lahat ng nag-apply ng clinal trials sa FDA, na-approve na po ‘yan,” wika ni Domingo.

“So I would presume nag-uumpisa na po ‘yan. ‘Yan po si Janssen ng Johnson and Johnson, ‘yung pong Clover Pharmaceutical, tsaka ‘yun pong Sinovac. Meron din po silang clinical trial dito,” dagdag pa niya.

Binigyan ng clearance Vaccine Expert Panel (VEP) sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST) noong Oktubre ang Sinovac para magsagawa ng clinical trials.

Pagkatapos nito, umakyat ang kanilang aplikasyon sa Ethics Board at sa FDA.

Pumasok na sa kasunduan ang pamahalaan sa Sinovac para sa pagbii ng 25 milyong dose ng bakuna nito kontra COVID-19. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply