MANILA – Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador na pabor sa coronavirus vaccine na gawa ng Pfizer-BioNTech.
Sa kanyang address kagabi, sinabi ni Duterte na mag-o-order ang pamahalaan para sa kanila sa harap ng mga balita na ilang matatanda ang namatay sa Norway matapos turukan ng nasabing bakuna.
“Gusto ninyong Pfizer, kayong mga senador? In Norway, 25 persons died after receiving Pfizer vaccination. Gusto ninyo? Mag-order kami para sa inyo,” wika ni Duterte.
Nasa 23 senior citizens sa Norway na may edad 75 anyos pataas ang mga namatay matapos turukan ng Pfizer-BioNTech vaccine.
Ngunit sinabi ng health authorities ng Norway na wala silang nakikitang ebidensiyang mag-uugnay sa pagkamatay ng matatanda sa bakuna.
Ayon sa Norwegian Medicines Agency, lahat ng mga namatay ay may malubha nang karamdaman.
“Clearly, COVID-19 is far more dangerous to most patients than vaccination,” wika ni Steinar Madsen, medical director ng NMA. “We are not alarmed.” (AI/FC/MTVN)