Duterte papaturok ng COVID-19 vaccine ngunit hindi televised

Duterte papaturok ng COVID-19 vaccine ngunit hindi televised

MANILA – Papaturok si Pangulong Rodrigo Duterte ng bakuna laban sa COVID-19 ngunit ang seremonya ay hindi ipalalabas sa telebisyon ayon sa Malacañang.

Ito ang pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque ilang araw matapos sabihin ni Duterte na uunahing bakunahan ang front-liners at mahihinang sektor bago siya.

“His answer was, ‘No problem. I will take the vaccine as soon as it is available’ dahil siya nga raw po ay talagang kailangan niyang magkaroon ng bakuna,” wika ni Roque.

“Pero ang sabi niya hindi na kinakailangan ipakita ito sa publiko,” dagdag pa niya.

Ayon kay Roque, tutularan ng 75-anyos na si Duterte ang ginawa ni Queen Elizabeth II ng Britain, kung saan inihayag lang ang pagtanggap ng bakuna sa media matapos siyang turukan kasama ang asawang si Prince Philip.

Isinapubliko naman ang pag-iniksiyon kina US President-elect Joe Biden, Indonesian President Joko Widodo, at Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply