Libu-libong mamamayan ng Pasay City ang dumagsa at nagsikuha ng business permit sa One-Stop-Shop na itinayo ng syudad sa Pasay City Hall at sa karatig na Cuneta Astrodome sa pagnanais ng mga negosyanteng makahabol sa diskwento nakalaan at makabangon sa kanilang mga negosyo sa gitna ng pandemya. Sa kabila nito, mistula namang nakalimtan ng ilan ang pag-obserba sa mga ordinansa sa pagsunod sa health protocols lalo na ang social distance. (Benjamin Cuaresma/AI/MTVN)
