MANILA – Makakaapekto sa Visayas at Mindanao ngayong araw ang low pressure area (LPA), na huling namataan sa 65 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar, pati na ng Intertropical Convergenze Zone (ITCZ) na kasama nito.
Sa kabilang banda, ang tail-end ng frontal system ay mararamdaman sa silangang bahagi ng Southern Luzon habang makakaapekto naman ang northeast monsoon sa natitirang bahagi ng Luzon, ayon sa PAGASA.
Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang mararanasan sa Eastern Visayas at Bicol Region dahil sa LPA at tail-end of frontal system.
Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan din ang iiral sa Caraga, Western and Central Visayas, Zamboanga del Norte, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Quezon dahil din sa LPA.
Posibleng magkaroon ng flash floods o landslide sa mga nasabing lugar dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na ulan.
Sa Cagayan Valley, Apayao, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, at Aurora, maulap naman ang papawirin na may kasamang mahinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kaakibat na mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon dahil sa northeast monsoon.
Ang kabuuan naman ng Mindanao ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pag-ulan dahil sa localized thunderstorms na maaaring magdulot ng flash floods o landslide. (AI/FC/MTVN)
