Paglobo ng kasong Covid-19 sa PNP ‘wag isisi sa pag-duty sa pista ng Itim na Nazareno — Lt.Gen Eleazar

Paglobo ng kasong Covid-19 sa PNP ‘wag isisi sa pag-duty sa pista ng Itim na Nazareno — Lt.Gen Eleazar

By Arwen Pascua

MANILA — Trabaho namin ang magsilbi, magsagawa ng security sa mga pampulikong event gaya sa Pista ng Itim na Nazareno,” ito ang pahayayag ni PNP Deputy Chief  for Administration at ASCOTF Commander,  Lt. Gen. Guillermo Eleazar. 

Aniya, walang kinalaman sa pag-duty ng libo-libong pulis sa Pista ng itim na Nazareno ang paglobo ng bilang ng mga aktibong kaso ng Covid 19 sa PNP nitong weekend. 

Nilinaw ito ni Eleazar matapos na umabot sa 495 ang aktibong kaso ng Covid 19 sa hanay ng PNP kahapon mula sa 373 lang noong nakaraang huwebes.  

Paliwanag ni Eleazar, ang karamihan sa mga bagong kaso na iniulat sa nakalipas na 3 araw ay mga Police Trainees na galing sa mga lalawigan para magbakasyon, at karamihan aniya sa mga ito ay mula sa Police Regional Office Cordillera. 

Sa huling tala ng PNP Health Service as of 6pm kagabi, 26 na bagong kaso at 11 recoveries ang iniulat. 

Dahil dito umabot na sa 9621 ang mga tauhan ng PNP na nag-positibo sa Covid 19, kung saan 9,098 ang nakarekober, at 28 ang nasawi. (AI/MTVN)

Leave a Reply