MANILA — Ibinida ng Department of Agriculture (DA) na wala nang Avian Influenza (AI) o bird flu sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ng DA na idineklara ng World Organization for Animal Health (OIE) na wala nang kaso ng A(H5N6) strain ng AI sa bansa noon pang Enero 8, 2021.
Ayon sa DA, agad naresolba ang outbreak ng AI A(H5N6) sa isang poultry farm sa Pampanga, at backyard poultry farm sa isang barangay sa Rizal, nang wala pang isang taon mula nang lumitaw ang virus sa bansa.
Tinawag naman ni Agriculture Secretary William Dar na “welcome development” ang balita dahil popular sa mga Pilipino ang karne ng manok, gaya ng baboy at baka.
“I congratulate the DA-BAI (Bureau of Animal Industry) and the local governments of Pampanga and Rizal, whose swift action resulted in limiting the further spread of the AI A(H5N6) strain to other areas,” wika ni Dar.
Sa ulat nito sa OIE, sinabi ni DA-BAI na wala nang nakitang bakas ng AI virus sa mga naapektuhang farm sa isinagawa nilang monitoring at surveillance. (AI/FC/MTVN)