1,862 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nadagdag ngayong araw

1,862 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nadagdag ngayong araw

MANILA — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,862 kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw, Miyerkules, 20 January 2021.

Dahil dito, umakyat na sa 505,939 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng naturang sakit.

May nadagdag na 765 katao na gumaling kaya umakyat ang bilang ng recoveries sa 466,993. May 64 katao ang pumanaw sa sakit na nagdala sa death toll ng bansa sa 10,042.

Sa kasalukuyan, mayroon pang 28,904 aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, umabot na sa 96,643,566 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, 69,323,391 ay nakarekober na sa virus habang 2,066,003 naman ang pumanaw.

Sa 25,254,172 aktibong kaso, 25,142,029 o 99.6 porsiyento ang nasa mild condition habang 112,143 o 0.4 porsiyento ang kritikal ang kalagayan.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos na may kabuuang 24,809,841 kaso na sinusundan ng India (10,596,442), Brazil (8,575,742), Russia (3,612,800), at United Kingdom (3,466,849).

Ikaanim ang France (2,938,333), Italy (2,400,598), Turkey (2,399,781), Spain (2,370,742) at Germany (2,071,473). (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply