DOH-RO2 nagsagawa ng mass Covid-19 test sa Cagayan

DOH-RO2 nagsagawa ng mass Covid-19 test sa Cagayan

Ni Glen S. Ramos

Tuguegarao City, Cagayan – Nagsagawa ang Department of Health – Regional Office 2 ngayong araw ng aggresibong mass testing sa walong bayan ng Cagayan ajbilang dito ang Lungsod ng Tuguegarao at mga bayan ng Baggao, Solana, Amulung, Alcala, Enrile, Iguig at Peñablanca.

Bunsod ito sa patuloy na lumalaking bilang ng mga kaso ng COVID-19 positive sa lalawigan kung saan itong mga lugar ito ang nakapagtala ng matataas na bilang ng kaso.

Ngayong araw kasalukuyang ginagawa ang testing sa Solana na kung saan ay target ng departamento na maisailalim ang 250 kataong sa mass testing na isasagawa sa Solana gymnasium.

Sa Tuguegarao City naman ay aabot sa 200 na tao ang target dito na gagawin ang testing sa Provincial quarantine facility. Kabilang ngayong araw ay ang Amulung (5) at Alcala (400) na gagawin naman sa Alcala gymnasium.

Sa Huwebes, January 21 ay nakatakda ang libreng aggressive testing sa Enrile na may target na 45 kataong sasailalim dito, Iguig (55), Tuguegarao City na 200 at gagawin ito sa Provincial quarantine facility. Sa Penablanca (355) na isasagawa sa Penablanca Gymnasiun at Baggao (500) na gagawin naman sa San Jose,Baggao.

Sa darating na araw ng Biyernes, January 22 ay muli sa Tuguegarao City dahil sa target na 1100 katao na isasagawa sa Provincial quarantine facility.

Ayon kay DOH-RO2 Regional Director Rio L. Magpantay, layumim ng mass testing na malaman agad kung sino ang posibleng carrier ng virus, kasama na rito ang mga symptomatic.

“Napakaimportante na ma-identify natin ang mga may Covid upang mabigyan sila agad ng gamot at mailagay sa mga isolation facilities para hindi na makahawa pa,” dagdag pa nito.

Kasama ng DOH-RO2 ang Provincial Health Office ng Cagayan, City Health Office ng Tuguegarao at mga miyembro ng BFP at PNP sa pagsasagawa ng mass testing sa iba’t ibang bayan. (AI/MTVN)

Leave a Reply