Girlfriend, nanay ng biyaherong may UK strain nagpositibo rin sa COVID-19

Girlfriend, nanay ng biyaherong may UK strain nagpositibo rin sa COVID-19

MANILA – Nagpositibo rin sa COVID-19 ang girlfriend at nanay ng lalake na unang nakitaan ng bagong COVID-19 strain sa bansa, ayon sa Department of Health.

Nagpositibo ang girlfriend ng lalake sa ginawang re-swab habang ang nanay niya ay nagpositibo sa unang swab pa lang.

Tinitingnan pa ng DOH kung taglay ng dalawa ang bagong uri ng COVID-19 na unang nakita sa United Kingdom na sinasabing mas nakahahawa kumpara sa karaniwang COVID-19.

Umabot na sa 11 ang close contact ng nasabing biyahero na nagpositibo sa COVID-19. Dumating ang nasabing biyahero kasama ang girlfriend nito noong Enero 7 mula Dubai.

Nang tanungin kung bakit nagnegatibo sa unang test ang babae pagdating nito sa Pilipinas, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng nasa incubation stage pa lang ang virus nang siya’y ma-swab sa airport.

“This is why timing is important to factor in when testing people,” paliwanag ni Vergeire. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply