MANILA – “New year, new home.”
Ito ang pahayag ng aktres na si Janine Gutierrez kung bakit siya nagpasyang lumipat sa ABS-CBN matapos maging talent ng GMA-7 sa loob ng ilang taon.
“New and different and I’m really looking forward to this 2021, ‘di ba? Parang nagbago na ‘yung mundo,” wika ni Janine sa isang panayam.
“And I’m excited to work with the actors, the directors there, yung mga team doon, yung mga production,” dagdag pa niya.
Ayon kay Janine, excited na siyang makapagtrabaho sa ABS-CBN dahil ang kanyang ina na si Lotlot de Leon at kapatid na si Diego.
Ngayong opisyal na siyang Kapamilya, sinabi ni Janine na may niluluto nang television series para sa kanya ang network ngunit hindi muna siya nagbigay ng detalye.
Sa ngayon, may nakalinya nang pelikula si Janine kasama sina Paulo Avelino at JC Santos. (AI/FC/MTVN)