Lorenzana handang makipagdayalogo sa UP ukol sa nabasurang kasunduan pero…

Lorenzana handang makipagdayalogo sa UP ukol sa nabasurang kasunduan pero…

MANILA – Handa si Defense Secretary Delfin Lorenzana na makipagpulong sa mga opisyal ng University of the Philippines (UP) ukol sa nabasurang kasunduan na pumigil sa mga sundalo at pulis na pumasok sa mga campus nito sa loob ng tatlong dekada.

Subalit sinabi ni Lorenzana na dapat munang ipaliwanag ng UP kung bakit kabilang ang ilan nilang estudyante sa mga napatay ng tropa ng pamahalaan sa ilang engkuwentro nito laban sa New People’s Army.

“I am willing to talk to him pero sagutin muna nila kung bakit namatay itong mga tao ito na kasama ng NPA. This a list of students of UP from all UP campuses na namatay during encounters with the Armed Forces. Explain to me bakit nangyari ito sa kanila, why did they fail to protect these young kids joining these organizations and they get killed,” wika ni Lorenzana.

“If they can explain that, we will talk. If not, then forget it,” dagdag pa niya.

Ginawa ni Lorenzana ang pahayag matapos humingi si UP President Danilo Concepcion ng rekonsiderasyon sa pagbasura ng UP-Department of National Defense accord.

Kinumpirma rin ni Lorenzana na ibinasura niya ang kasunduan nang hindi kinokonsulta ang UP.

Una nang nag-alok si presidential spokesperson Harry Roque, na dating UP alumnus at miyembro ng faculty nito, na mamagitan sa DND at UP. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply