MANILA – Namataan kaninang alas-3 ng madaling araw ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA 20 kilometro sa hilagang silangan ng Romblon, Romblon.
Samantala, makakaapekto ang tail-end of frontal system sa silangang bahagi ng Central Luzon habang mararamdaman naman ang epekto ng northeast monsoon sa Northern Luzon.
Maulap na papawirin at kalat-kalat hanggang sa malawak na pag-ulan at thunderstorm ang mararamdaman sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes dahil sa LPA at tail-end ng frontal system.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon, maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang mararanasan dahil din sa LPA at tail-end of frontal system
Maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm naman ang iiral sa Central at Eastern Visayas, Northern Mindanao at Caraga bunsod na rin ng LPA.
Ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Nagbabala naman ang PAGASA na posibleng magresulta ang mga pag-ulan sa flash floods o landslides. (AI/FC/MTVN)