MANILA — Simula Pebrero 1, 2021, mananatili na munang sarado pansamantala diumano ang pamosong hotel na Makati Shangri-la at magbabawas ng empleyado dahil pa rin sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
Sa official press statement nitong Miyerkules, 20 January 2021, sinabi ng Shangri-La Group na kailangan nilang repasuhin ang kanilang operasyon at bilang ng mga kawani alinsunod sa kasalukuyang kalagayan ng buong mundo at ng bansa partikular na sa turismo sa likod ng pandemya.
Idinagdag pa ng pamunuan ng hotel na kinakailangan nilang gawin ito “to adapt to the uncertain business environment” bunga ng pandemic. “Throughout the unprecedented COVID-19 pandemic, our priority has been to preserve as many jobs as possible for our teams.”
Sinabi ng tagapagalita ng hotel na sa nakalipas na 10 buwan, sinikap ng Shangri-La Group na hanapan ng paraan ang pagkalugi sa operasyon tulad ng pagbabawas ng gastos “including salary reductions at management level, implementing shorter work weeks, hiring freeze and cuts in non-essential spending.”
Ginawa umano nila ito habang nagkakaloob ng suporta sa kanilang rank and file employees upang malampasan ang krisis ngunit pumutok naman ang balita sa bagong Covid-19 strain na nagdulot ng pagbabawal tumaggap ng mga dayuhang travelers ang Pilipinas lalo na ang mga galing sa bansa Europa, Estados Unidos at iba pa.
“The prolonged recovery timeline has resulted in increasing financial pressure on the company here in the Philippines,” kung kaya’t sinabi pa ng spokesperson na “we unfortunately must now make the extremely difficult decision to reorganise our workforce and operations in the Philippines as we continue to navigate an uncertain business environment.”
Kasama sa gagawing reorganization ang retrenchment o pagbabawas pansamantala ng manpower.
“Every effort is being made to support all our affected colleagues through this transition, including providing a fair compensation package that is higher than local statutory guidelines,” saad pa sa pahayag.
Ipagpapatuloy din ang healthcare coverage at maging “grocery support” hanggang sa katapusan ng 2021 para sa mga maaapektuhang empleyado. Magbibigay din sila ng “career transition assistance.”
“We continue to vigilantly monitor local and global developments and look forward to reopening Makati Shangri-La, Manila at a later date when business conditions have improved,” ayon pa sa pahayag.
Ang Makati Shangri-la ay nagbukas noong April 1993, isang taon matapos naman magsimula sa bansa ang Shangri-La Group at itayo ang EDSA Shangri-La. (AI/MTVN)