Nag-courtesy call ang bagong chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na si Benjamin Benhur Abalos Jr. kay Mayor Joy Belmonte at sa mga opisyal ng Lungsod Quezon ngayong araw, Miyerkules, 20 January 2021.

Inilatag ni Chairman Abalos ang mga polisiya at plano ng kaniyang opisina upang maipatupad nang maayos ang batas trapiko sa Quezon City lalo na ngayong kasagsagan ng clearing operations.
Makasisiguro ang MMDA sa suporta at pakikipagtulungan ng Lungsod Quezon sa kanilang mga layunin. (Art Son/AI/MTVN)