MANILA — Inihayag ng pamunuaan ng Department of Transportation o DOTr na pumalo na sa bilang na 2,031,787 ang kabuuang ridership ng Free Ride Service program nito para sa mga health workers sa buong bansa.
Ito ay base sa kanilang datos na nakolekta mula noong Marso 2020 kung saan ang simula ng nasabing programa hanggang kahapon.
Ayon sa DOTr mula sa nasabing bilang, 560,129 ang total ridership sa Nationala Capital Region o NCR-Greater Manila, habang 1,471,658 naman sa iba pang mga rehiyon.
Matatandaan ang free ride service ay inilunsad ng DOTr upang bigyan ng masasakyan ang mga health workers habang limitado ang operasyon ng public transportation sa buong bansa dahil sa ipinatupad na Community Quarantine bunsod ng COVID-19 pandemic.
Batay usa tos ng DOTr hindi lang sa NCR ipinatupad ang Free Ride Service para sa Health Workers, kundi isinama na rin ang Regions 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, CAR at CARAGA. (Rambo Labay/AI/MTVN)