MANILA – Nag-alok ng tulong si presidential spokesperson Harry Roque on Wednesday para mapagharap ang mga opisyal ng Department of National Defense at University of the Philippines ukol sa pagbasura ng ilang dekada nang kasunduan ukol sa presensiya ng militar at pulis sa mga campus.
“I’m opening my good office for them to have this discussion,” wika ni Roque, na isang UP alumnus at dating miyembro ng faculty ng unibersidad.
Ayon kay Roque, suportado niya ang panawagan ni UP President Danilo Concepcion para sa isang dayalogo kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ukol sa isyu.
“My personal opinion, if it worked for 30 years, let’s talk why it shouldn’t continue for another 30 years,” wika ni Roque ukol sa kasunduan, na ibinasura ng DND noong Enero 15.
Sa ilalim ng kasunduan na pinirmahan noong Hunyo 1989, bawal pumasok ang mga sundalo at pulis sa anumang UP campus o mga regional unit nito nang walang paunang pasabi sa administrasyon ng UP.
Tiwala naman si Roque na hindi matatakot ang mga estudyante ng UP sa pagbasura ng nasabing kasunduan dahil nalampasan ng unibersidad ang madilim na bahagi ng Martial Law ni dating pangulong Ferdinand Marcos. (AI/FC/MTVN)