Unang batch ng AstraZeneca COVID-19 vaccines darating sa Mayo o Hunyo

Unang batch ng AstraZeneca COVID-19 vaccines darating sa Mayo o Hunyo

MANILA – Darating sa bansa ang unang first batch ng COVID-19 vaccines na gawa ng AstraZeneca sa pagitan ng Mayo at Hunyo, ayon sa isang adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y taliwas sa naunang pahayag ng Malacanang na darating ang mga bakuna sa Hulyo.

Nakasisiguro na ang Pilipinas ng 17 milyong dose ng AstraZeneca vaccine sa ngayon, na kasya para sa 8.5 milyong Pilipino, sa tulong ng mga pribadong kumpanya at mga lokal na pamahalaan.

“The succeeding batches will move towards July, August so hopefully later part of the 2nd quarter and the bulk of them would be in the 3rd quarter,” wika ni presidential adviser on entrepreneurship Joey Concepcion.

Maliban sa rank-and-file employees, iginiit ni Concepcion na dapat ding mabakunahan ang contractual workers, supervisors, managers at CEOs para mapalakas ang kumpiyansa sa bakuna.

“If we don’t vaccinate our key executives and even myself, the survey shows that the take-up of the vaccines are quite low so we really have to show that these vaccines are safe,” paliwanag ni Concepcion.

“Show it to the people and hopefully the President will take it and in full view of the public that these vaccines are safe, that what we’re buying is safe for the Filipino people,” dagdag pa niya.

Nakapirma na ang Malacanang ng terms sheets sa ilang kumpanyang gumagawa ng bakuna, gaya ng Moderna, AstraZeneca at Novavax. (AI/MTVN/FC/MTVN)

Leave a Reply