Ni Arwen Pascua
MANILA — Wala nang nakapigil pa sa sa mga sundalo makaraan kanselahin ng Department of National Defense sa kasunduan na nagbabawal sa mga pulis at sundalo sa loob ng University of the Philippines na pasukin ng mga tropa ng 7th Civil Relations Group (7CRG) ng AFP ang UP diliman campus.
Ayon kay Maj. Celeste Frank Sayson, ang Commander ng 7CRG, pakay nila na bisitahin ang “community gardens” na itinayo nila sa UP sa tulong ng UP community na bahagi ng proyektong “Raise To 1 Million Gardens in the NCR.”
Ayon Kay Col. Sayson, sinimulan nila ang proyekto para makatulong sa mga nawalan ng hanapbuhay at makatiyak sa supply ng pagkain sa Metro Manila sa gitna ng pandemya, sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay sa mga bakanteng lupain sa kalunsuran.
Sa ngayon aniya ay anim na community gardens sa loob ng UP Campus ang kanilang minamantini.
Bukod dito, sinabi ni Sayson na sa panahon ng pandemya ay labas pasok sila UP na naka-uniporme gamit ang mga sasakyan ng militar para maghatid ng pagkain at relief goods sa mga nangangailangan sa Brgy. UP Campus bilang bahagi ng kanilang “Kapwa ko, Sagot ko Project.”
Sa pamamagitan naman aniya ng proyekto ng ito ay nakapaghatid ang militar ng reliëf goods at humanitarian services sa mga residente ng Brgy. UP Campus na kabilang sa 436,140 households sa NCR na nakatanggap ng ayuda mula sa militar. (AI/MTVN)