Ni Fitzgerald Cecilio
MANILA — Umakyat na sa 507,717 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,783 bagong kaso ngayong araw.
May 500 katao naman ang gumaling mula sa virus kaya umabot na sa 467,475 ang bilang ng recoveries habang may nadagdag na 74 namatay na nagdala sa death toll sa 10,116.
Nasa 30,126 pa ang bilang ng aktibong kaso sa bansa.
Sa buong mundo, nasa 97,325,443 na ang bilang ng COVID-19; 69,882,077 dito ay gumaling na habang 2,083,754 naman ang pumanaw.
Sa ngayon, nasa 25,359,612 pa ang aktibong kaso, kung saan 25,247,324 o 99.6 porsiyento ang nasa mild condition habang 112,288 o 0.4 porsiyento ang kritikal o malala ang kalagayan.
Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa paramihan ng kaso na may 24,998,975 na sinusundan ng India (10,611,719), Brazil (8,639,868), Russia (3,633,952), at United Kingdom (3,505,754).
Pang-anim ang France na may 2,965,117 kasunod ang Italy (2,414,166), Spain (2,412,318), Turkey (2,406,216) at Germany (2,090,161). (AI/FC/MTVN)