MANILA – Nakapagtala ang Department of Trade and Industry (DTI) ng pinakamataas na bilang ng nagpatala ng business name noong nakaraang taon bunsod ng mga bagong online business.
Sa virtual na paglulunsad ng “DiskarTech Ipon Galing”, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na 88,000 bagong online business ang nagparehistro sa DTI sa kasagsagan ng pandemya.
Ito’y mula sa 1,700 online business lang sa pagitan ng Enero at Marso, o bago magsimula ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.
“Amidst the pandemic, there are still many opportunities we can find and discover. In fact, now the pandemic in 2020, the newly-registered businesses increased to 900,000 as of Dec. 17, 2020. That is the highest growth rate of 41 percent since 2010,” wika ni Lopez.
Ayon kay Lopez, maaaring gamitin ng mga bagong entrepreneur ang iba’t ibang programa ng DTI upang sila’y maging magaling na negosyante.
“DTI will always be here for you to help you find the right business so that you can become smarter entrepreneurs,” ani Lopez.
Isa sa mga ito ay ang Kapatid Mentor ME, na nakatuon sa tinatawag na mentorship, access sa kapital, at pagpapalawak ng merkado.
Hinikayat din ni Lopez ang mga bagong entrepreneur na itabi ang kanilang kita sa negosyo at gamitin ito bilang puhunan sa hinaharap. (AI/FC/MTVN)