Marikina City Government handang-handa na sa mga pag-iimbakan ng bakuna laban sa Covid-19

Marikina City Government handang-handa na sa mga pag-iimbakan ng bakuna laban sa Covid-19

Ni Rambo Labay

MANILA — Ibinida ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang Cold Chain Management Vaccine Room na pag-iimbakan ng mga bakuna laban sa Covid-19 sakaling dumating na sa ating bansa.

Ayon kay Mayor Teodoro ang mga container na mga malalaki ay paglalagyan ng mga bakuna laban sa Covid-19 pagdating sa bansa kung saan umano kahit na mawalan pa ng kuryente, ay pwede tumagal ng ilang araw.

Paliwanag ng alkalde maprepreserba pa rin ang mga bakuna kahit, halimbawa sa hindi inaasahan ay mawawalan ng kuryente ang lungsod o magkaroon ng brown out ay tumatagal ng mga ilang araw at hindi masisira ang bakuna.

Dagdag pa ni Mayor Teodoro handang handa na ang Marikina LGU sakaling dumating ang bakuna laban sa Covid-19.

Katunayan aniya pa sumulat na sila o nagpadala na sila ng letter of intent para bumili ng bakuna na aprubado naman ng Food and Drugs Administration upang matiyak na ligtas ang publiko na babakunahan. (AI/MTVN)

Leave a Reply